Birthday gifts

Ito yata ang birthday na may pinakamarami akong gifts na nareceive wahaha.

Napakasweet at Napakaresourceful talaga ng aking colleague. At may concern sa environment kaya nasa vocabulary nya lagi ang recycling. Har har har! (Actually, pasalubong yung peanut ng 1 HR. Di lang namin naubos at sa akin pinapauwi. Naisipan ko lang namang balutin kasi malagkit. Nagvolunteer siyang siya na gagawa at yan na nga ang result.)

Scrapbook and book
Kakatuwa! Nagulat na lang ako nandito na yung mga pics na nasa blog ko lang haha. At may bukingan portion. Anover! Buti na lang di nila alam ang story at mali-mali sila ng hula :p.


Di ko pa nababasa yung book. Wala pa cover eh hehe.


Flip flops!
Pinapabili ko lang yan sa friend ko sa SG kasi sabi nya mas mura daw. Pero gift na lang daw nya sa akin ahihi. Tenk yu mare! They are cute!

It’s my birthday!

As requested by my nieces and nephew, they’d like to have a picnic on my birthday and so picnic it is. We first attended the Easter Sunday mass then headed off to Burnham. While the kids were having fun at the park, some of us adults went our separate ways to buy lunch. I also invited some relatives.

Mga camera shy ang family ko so wala silang matinong pics. Wala na rin picture ng food kasi gutom na lahat ng tao so wala nang presentation ek ek para sa photo shoot. Hmp. Anyway, it was lots of fun.


Tuwing nagkikita silang magpinsan, naglalaho lahat ng tao sa paligid nila. Deadma na sila ibang bata at sila na lang magkalaro. Ang ginagawa ng isa, susundin ng isa. Kung ayaw kumain ng isa, di na rin kakain yung isa.

Mga alaga ko nung College. Ngayon, kuya at ate ko na sila sa height. :p

Sa office naman, treat lang ng merienda. Share kami ni teammate. Birthday din kasi nya ng March.


Tapos, coffee with friends.

Atat? Hihihi

Bago ang chat na ‘to, nag-email ako na may merienda by 5PM.

Nagtatanong: dyan na ba merienda?
Moi: la pa
Moi: atat?
Nagtatanong: hehehe medyo…
Nagtatanong: 😉
Moi: la pa 5 di ba?
Moi: hahaha
Nagtatanong: gutom n k eh…
Nagtatanong: k fine hehehe
Moi: papunta na raw
Moi: hehe

Kasungint-sungitan ko ‘no? Hehe. Peace bro!

Don aka Dawn as in bukang liwayway

Kahapon, nag-order kami sa isang food chain for delivery. Unang kumausap ay ang aking teammate na guy. Pinasa lang sa akin nung kinukuha na yung address ng office. After that, tinanong ako ng order taker kung sino hahanapin pag nagdeliver na sila.
Order taker: Kanino po idedeliver?
Moi: Pakihanap na lang po si Don.
Order taker: Don as in bukang liwayway?

Wahaha. Di ko talaga napigilan ang pagtawa kahit kausap ko pa sya sa phone.

Mga Kwentong Bohol: Ang pagpapatay-patayan ni Ardee sa Isla ng Alona

* Isa pang galing sa comments ko sa blog ni Ardee.
Nagrequest si Ardee na kuhanan naming sya ng picture na kunwari patay na raw syang inanod sa pampang.

Ardee: Picturan nyo ako. Kunwari patay ako.
My and Emie: Sige. Pose na.
(Emie takes pictures)
My (whispering to Emie): Tagalan mo pa 😀
Ardee: Matagal pa ba yan? Naaanod na ako!
My: Teka lang! Di pa tapos!
Ardee: Dalian nyo na!
My: Teka nga lang! Emie sa harap naman kunan mo. (una kasi, back view lang kinukuhanan namin)Emie lipat sa harap para sa front view pics.
At si Ardee, minsan naanod na nga talaga at di na mamaintain ang pose wahahaha.
And yes, yan ang nadiscover ko kay Ardee. bawat picture sa isang place, makakailang shots yan. good luck na lang kung film camera pa gamit ngayon dava! Hehehe.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
1 2 3