New Task

Yes, I have a new task. That’s on top of the tons of other tasks I have.
Deadline? Next week.
Implementation? Few days before June 1.
Free time? NONE
What to tackle first? Dunno. Will plan out later.
Delegate? Not an option. Everyone’s loaded. Kawawa naman sila di ba? Baka mas lalo silang malito sa mga kanya-kanya nilang projects :p. And the new employees will have longer learning curves. Timeline won’t be enough. Baka magka-issue na naman dyan.

Tough. But I’m tougher than you think :P.


Sa mga pagkakataong ganito, hinihiling ko na sana hindi ako makakasalamuha ng mga whiners, mainarte o reklamador. Kung meron man, sana isipin nyo rin na hindi lang kayo ang nahihirapan. Hindi lang kayo ang maraming ginagawa. Hindi lang kayo ang napapagod. Maliwanag? Oo? Good! 😀

Gusto kong…

Gusto kong matutong magdrive.
At gusto ko na rin ng sasakyan.
Gusto kong magroadtrip kahit saan, kahit anong oras na libre ako.
At habang naglalakbay, tumutugtog ang aking mga paboritong kanta.
Gusto ko…

Kailan kaya matutupad ang pangarap na ito?

Pangarap ka na lang ba? O magiging katotohanan na?

Hay.

😀

Sakit

Nagbabadya na naman ang aking karaniwang sakit. Inisip ko lang kanina na baka pagod lang ako kasi puro meetings ako sa halos buong shift ko. pero hanggang ngayon, mabigat ang pakiramdam ko. Ganito lagi nararamdaman ko pag nagkakasakit ako ng todo at para akong lantang gulay. Masakit ang muscles ko. Feeling ko kanina sa office pa lang parang namamaga ang mukha ko. Pagdating ko sa bahay, salamin agad hinarap ko. Buti na lang normal naman. Pakiramdam ko lang yun. At hanggang ngayon nahihirapan akong makatulog. Mas lalo ko tuloy nararamdaman
ang sakit.

Ano ba naman ‘to. Totoo bang kung ano ang nangyari sa unang araw ng Bagong Taon, ganon na the whole year? Huwag naman sana pero naman kasi, first day of the year, may sakit ako at umulit na ng kung ilang beses at nagpapang-abot pa ang mga ito. Hindi pa ako gumagaling sa una, nagkakasakit na naman ako. Nakapagpacheck-up na nga eh. Binigyan na rin ng gamot. Pero wala pa rin. Anong gagawin ko?

Teka, anong sakit nga ba? Sa ngayon, symptoms ng lagnat nararamdaman ko. Mainit na katawan ko kanina pa. Kakairita nga eh. It’s all in the mind lang ba? Sa akin hindi. Ganito talaga pakiramdam ko pag magkakasakit ako.

Ayaw ko pa naman maggamot. Feeling ko kasi, sa kung ilang beses na akong nagkasakit mula last year, sobra-sobra na yung mga nainom kong gamot. Ayaw ko nang dagdagan pa. Kaya iwas gamot muna. Pero nasaan na ba ang mga gamot ko? Just in case lang hindi ko na talaga kaya. 😀

Nag-iisip

Team building na…Noah’s Arc
Ano kayang mangyayari?
Mukhang maganda yung place.
Gusto kong libutin yung place umaga ng Saturday. Sana magising ako hehehe.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...