2016 Week 48 Recap: Baguio Errands and a Celebration

November 21 – 27, 2016

Weekend

I went home to Baguio for some errands and a family affair. I arrived Saturday noon and diretso na sa errands. Ang ginaw-ginaw na dito! Nanunuot sa buto. Tapos maulan pa nung Saturday!

Remember my niece who likes SM? We made the first step last Saturday. I opened a regular savings account for her and for her sister. While I have the option to open a Junior saver’s account for the kid, I opted for a regular savings account kasi pag narealize nyang mas maliit yung amount sa kanya, maraming tanong uli yun hahaha. So pareho na lang agad-agad. I diverted some of my investment funds just so we could open their accounts. I told them that I just lent them what they used so that they could start saving in the bank directly.

Di na pala nagbibigay ng ID picture. Sila na kukuha ng picture via their web cam.

They will claim their ATMs next Saturday. Sana matandaan nila lahat ng binilin ko sa kanila about PIN and keeping their ATMs in a safe place.

I also told them that I will give 50% of whatever they save out of their allowance from today until December 31. They must have deposit slips as proof. I’ll add more savings opportunities for them next year. Let’s see how this deal will work first.

joycesig

I told her to write her complete name in cursive. Kaso nawalan ng space ang family name. So yan na ang first official signature nya hahaha! I told her we’ll just update when she’s older.

After the bank, we went to UNeed Lumber’s showroom to look for what else? Toilet bowls and seats hahaha! Na-excite ako nung may nakita akong Toto na brand. Bet na bet ko kasi yung mga CR fixtures sa Japan. So syempre nagtanong ako if meron sila nung parang ganon, or kung wala man, pwede bang isabay nila sa ibang orders nila kahit maghihintay ako. Naloka ako sa quote na binigay nila. 200K-300K daw yung ganong model! Susko. Parang di ako makapaniwala hahaha. Makapaghanap nga ng iba pa.

nieces1

Sabog ako dahil walang pahinga pero bakit parang mas sabog yung bata?! Dahil ata sa bagong bangs na parang ayaw pa rin nya until now hahaha!

On Sunday, we attended mass and after that, went to my brother’s family’s place to celebrate my nephew’s 3rd birthday. His actual birthday is November 28. He was the first in the family to arrive after we lost our mother in 2013. Di na nya naabutan ang lola nya, pero ang lola nya dati, excited na excited ibalita sa akin na buntis noon yung hipag ko kahit sinabihan syang secret muna daw. Di nya nakayang isikreto sa tuwa hahaha! Medyo more than a year din kasi silang nagtry eh bago mabuntis hipag ko.

It’s a simple salo-salo but still a blast spending even just a few hours with family and friends.

Happy birthday, Gysher!

Happy birthday, Gysher!

I also advised my eldest sister to become an SSS member. Oo naman daw. Hopefully she gets approved kahit sa minimum amount lang. Para naman may pension sya pag 60 na sya.

Credit Card

I am back to 2 credit cards (from 3). Standard Chartered bank transferred some of its services (or maybe all PH services) to East West bank starting November 26, 2016. Since I recently got approved with a Citi Rewards card, I did not renew with East West bank anymore. No more confusing decisions as to which card to use. More peace of mind.

Have a great week ahead.

P.S. Dear sahod, wer na u? Hahaha!

P.P.S. I need a car in Baguio. Ang tagal ng mga biyahe sa amin susko! At ang dami mo pang kasiksikan sa jeep.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

2 comments

  • Maginaw na pala sa Baguio…brrrrrr! Ramdam ko dito ang ginaw, hahaha. Congrats at mukhang naga-guide mo na mga kapamilya mo na mag-ipon. That’s a good start. Mas masaya kung iisa ang mindset ng pamilya pagdating sa pera. Yung dalawang kapatid ko, hindi pa rin nagwa-wisen up eh, baka one day, someday pa. 🙂

    • Taking advantage lang ako habang nakikinig pa sa akin ang mga pamangkin ko at kaya ko pa silang i-influence so that hopefully, by the time na independent na sila, they at least have developed the habit of savings. Pero mga kapatid ko rin, wala pa rin eh ang tatanda na hahaha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *