It’s my birthday, it’s my birthday 😀🎤🎼🎸

StrawberryShortcake

Strawberry shortcake!

Happy birthday to me!!! 37 years! Thank Lord for the gift of life. I am amazed by Your unconditional love, outpouring blessings and project management style. The best! There is nothing more to say than thank you. I am forever grateful.

So I was allowed to take a leave so uwi na agad! Got here around 6:30 AM. Only 4 hours for the whole trip. Saya-saya. First order of the day was to buy return ticket on Easter Sunday. After that, went to Baguio Cathedral for mass. I am now having breakfast at Vizco’s (yes, writing this here). Corned beef meal plus of course I bought myself a slice of strawberry shortcake hehe. Yum!

I’ll drop by a tailoring shop for alterations of some pants and then drop by MOFAMCO (Mothers and Family Multi-Purpose Cooperative) to apply for membership. I hope that would be quick because sleep is knocking again hehe.

Will go home after that errand to catch some sleep and play with nephew. I’m hoping for dinner with the BF tonight to at least celebrate our birthdays together (his will be tomorrow) but let’s see about that. Keeping it as low key as possible since it’s the Holy Week.

Ok, time to dig in to the cake!

Have a blessed and meaningful Holy Week, everyone.

Update: The last in my itinerary pushed through as well. Bitin pero salamat pa rin at natuloy! 🙂 Happy birthay, indeed! Salamat sa Diyos.

Dear Daddy #2

Happy birthday in heaven, Daddy! If you were still here, it would have been your 78th. Parang ang weird din na binabati pa rin kita ng happy birthday, no? Hehe. Pero weird or not, babatihin pa rin kita. Ikinain na rin kita ng Japanese cheesecake kanina. At kagabi rin, kumain din kami ni Glo para i-celebrate ang birthdays natin. Since wala ka na, ako na lang kakain para sa ‘yo hahaha! Lamon pa more.

If you are still here, party party sana sa bahay, malamang sa Easter Sunday no? Pero pwede rin namang kami-kami lang hehe. Kayo kasi eh, nang-iwan agad. Pero malaman pa hehe.

Happy birthday uli! I miss you and Mama. Hi na lang sa kanya. Ibagam ah ta baka umapos manen hehe.

Bye For Now, Lola Inay

My sister-in-law lost their mom last Sunday. I’m not sure how old she was but what I’m sure of is that she’s more than 80 years old. She was fondly called Lola Inay. She has been sick for sometime now due to her old age. She was hospitalized last December. They all thought she would be gone few days after she was brought out of the hospital. My sister-in-law and her siblings opted not to have her operated and requested that they bring her home and just do home care. I was secretly praying for lola inay to not go in December because I thought it was sad having a wake on Christmas, or January, because it would be too much for my brother to have 2 death anniversaries in January, 1 for our father, and for his mother-in-law. And she held on, until last Sunday, which also happens to be my nephew’s birthday. While it would be weird in the coming years, I at least hope that my nephew would take it as a reminder that he should always celebrate life, the way her lola did.

I don’t know how my brother is holding up, with loses in such a short interval. She has been his second mom for more than 20 years. She treated him as her own son. When we visited them last December, he said that they were ready. He even had the guts to kid me that I might just be the one last visitor that lola inay was waiting for before she says goodbye. Nangilabot ako don, ang adik ni kuya. Buti na lang hindi hahaha. But then again, as with all loses, I know it will be hard, especially at the beginning. But I also know, that in time, they will be able to find their new normal.

Dear Lola Inay,

Nakakalungkot man po ang inyong tuluyang pamamaalam, mainam na rin po at tapos na ang iyong paghihirap. Ika nga nila, no more pain.

Salamat po sa lahat-lahat. Salamat sa pagtanggap sa kuya ko at pagturing sa kanya bilang tunay mong anak. Salamat sa pagkupkop at pag-aaruga sa akin nung mga unang buwan ng pagtatrabaho ko sa Manila at nakitira pansamantala sa inyo. Sobrang malaking tulong po yun. Kung wala po siguro kayong pwede kong pakituluyan noon, siguro hindi ako naglakas loob na sumama noon sa mga kaibigan ko para maghanap ng trabaho sa Manila. Kaya salamat po talaga.

Salamat din sa pangungulit sa akin na mag-asawa na ako hahaha. Para ka ring si Mama. Minsan ata na-eenjoy ko masyado ang pagiging single. Pero napapa-isip ako tuwing kinukulit nyo ako hehehe. Salamat na rin po sa pagreto sa pamangkin nyo. Yun nga lang, pasensya na po at hindi tumibok hehehehe. Pero tumibok naman po para sa iba hahaha.

Salamat at ngumiti ka nung dumalaw ako sa inyo noong Disyembre. Natutuwa po akong makita kayong masaya pa rin kahit hirap na hirap na kayo noon. Bilib na bilib po ako sa katatagan ninyo. Sana ikinatuwa mo po ang ibinalita ko sa iyo.

Tulad ng hiling ng isa nyo pong apo, pakitulungan po sila upang maintindihan at matanggap ang iyong paglisan.

Maligayang paglalakbay tungo sa kaharian ng Poong Maykapal. Paki-kamusta na rin po ako kina Mama at Daddy. Pakibulong na rin po sa kanila ang ibinulong ko nung huli kitang dinalaw hehehe.

Dadalawin ko po kayo sa Sabado at makikihatid na rin sa inyong himlayan. Kita-kits. Mahal ko po kayo at salamat po uli sa lahat lahat. Hanggang sa muling pagkikita, maraming-maraming taon pa mula ngayon hehe.

Dear Mama #1

Dear Mama,

The other weekend, the BF mentioned you again out of the blue. He told me (again) that you used to go to the office and share stories with him, and that you always mentioned about having a daughter who’s still single hahaha. Nakakaloka talaga. At tingin daw nya, love mo raw sya, yung tipong pag magbibigay ka raw ng cake, mas malaki pa ibibigay mo sa kanya kesa sa akin na anak mo hahaha. Ang yabang no? Buti di ko nabatukan. Kaya rin daw sobra syang nalungkot nung biglang nawala ka. Sayang daw. At for sometime daw, di talaga nya kayang matulog sa office at lagi daw bukas ang ilaw kasi naalala pa rin nya yung pagkukuwentuhan nyo, este yung pagkukuwento mo while sitting at the visitor’s chair and sya naman, tuloy lang sa trabaho.

While it makes me sad that you are no longer around to ask about it, I’m also happy that he has those memories of you. Sana lang nga talaga, you had more time to spend together. But well, such is life. You had to go ahead. So my request Mama, is that for you to please be our guardian angel and guide us and our relationship.

Random Thoughts #3

  1. Until now, hindi ko pa naliligpit ang Christmas tree ko at mga gifts hehehe. Paabutin ko na lang kaya ng Chinese New Year? Hehehe. Ginawa ko kasing Pasig-QC lang ang Manila-Baguio for the past 4 weeks.
  2. Kailangan ko na talagang tigilan muna ang bumiyahe. Nagbabadya na naman ang cough and colds. It maybe because of the colder Baguio weather last weekend. So wala na talaga ang 10k steps ko for January.
  3. Dami pa ring umaakyat sa Baguio. I’m sure especially in the coming days.
  4. Gusto ko na ng car – Toyota Innova 2.5 E Dsl A/T
  5. Ang sarap talaga ng Ube jam. Niloloko ko yung friend kong malapit ko nang buksan yung pinabili nya hahaha. Sarap eh. And akalain mo yun, pumayag akong bilhan sila hahaha. Usually, I don’t take orders kasi mabigat. Marami nang nagpapabili ng walis tambo pero ayaw ko talaga. Hassle i-byahe eh hahaha.
  6. Dami ko nang backlog of blogs to read….
  7. Na-addict na naman ako sa mga Bejewelled-type games. Nakaka-ubos ng oras. Need to stop and become more productive.
  8. Kailangan ko nang maisulat ang aking 2016 goals…
  9. Excited na ako sa birthday ko at nya…sana the universe will conspire with me with what I want to happen. Simple lang naman, nothing outrageous.
  10. Annual evaluations na naman. Ano na naman kaya ilalagay ko? :p

Discrimination At Its Finest

I’ve mentioned in this post that we went to a wake last weekend.

Last Sunday, my aunt requested me to accompany her to a wake of her husband’s relative. I didn’t want to but she wanted me to be her scapegoat so that she’ll not be forced to stay long hehehe. I gave in, since BF was still busy after the mass. Balik na lang. Anyway, we reached the relative’s house at noon. Syempre gutom na gutom na kami non. Syempre normal naman ang mga pa-kape at sa amin, nagkakatay talaga ng baboy pang-ulam ng mga bisita. Pag may kinatay, naglalaan sila ng konti pang-inihaw which they serve to the guests while waiting for the food to be cooked. So few minutes pagdating namin, lumabas ang kape. Syempre natuwa ako. Pero biglang nawala yung tuwa ko nung dinaanan lang kami at inabot ang kape sa nasa likod namin hehehe. Next, lumabas ang inihaw na pulutan. Pucha ilang pinggan ang idinaan sa harap namin pero wala man lang ni isang inabot sa amin. Sumunod ang camote. Ganon din hahaha. Pati ba naman camote ipagkakait nyo pa???!!! Hehehe. Nagbubulungan kami ng tita kong kawawa naman nga talaga kaming mga pobre at nadadaanan lang hahaha. Pigil na pigil ko talagang humagalpak dahil wake yun pero at some point in time, lumakas pa rin tawa ko. Itinawa ko na rin kasi inis ko at gutom ko eh. Ewan ko paano kami nagkaroon eventually ng food. Basta may nag-abot sa tita ko pero not sure if yung nagseserve or ibang tao. Tapos may shy piece ng camote sa isang basket so kinuha na rin namin at ginawang to share hahahaha.

After sometime, may mga dumating din na ibang guests. May mga konting borloloy at yung mga bag is yung handbag na sinusukbit lang sa braso. Style manyaman hehehe. Aba, grand welcome sila! Yung kulang na lang buhatin sila at paupuin sa best seats available hehehe. K, fine!

Sabi ng tita ko, ganon daw talaga yung angkan na yun. Yung mga nagtatrabaho sa kusina ay yung mga relatives nilang poor hehehe. Kaloka lang. Sabi ko sa tita ko, next time magwarn naman sya para makapagred lipstick man lang ako at maisuot ang fake kong jewelry basta makinang hahaha. Joke, pero why not? Hahaha. Pang-asar lang 😛 . But no, it’s not me. Sabi nga ng nabasa ko lately, 3 things you should keep private — lovelife, net worth, next steps 🙂 .

Anyway, bigla ko tuloy narecall how we treated our visitors during our parents’ wake. But I can confidently say that we treated all of them well, especially the unfamiliar faces. Nakakahiya naman kasi. Sila na nga lang nakikiramay, sila pa uneasy dahil wala ni isa man sa amin ang hinarap sila.

Pero wait, love na love ko tito ko (sya yung talagang kamag-anak ng pinuntahan namin) ha. Mabait kasi. Isa sya sa mga talagang umalalay sa amin nung nawala both parents namin.

Dear Daddy #1

Dear Daddy,

Isang taon na mula nung lisanin mo ang mundong ibabaw at iwan kami…kay bilis lumipas. Kamusta ka na???? Chos. Nagyoyosi ka pa rin ba? Ilang kaha isang araw? Kumakain ka na ba sa tamang oras? O hindi pa rin? Sige, pagutom pa more :p. Naliligo ka na ba everyday? Siguro naman, di na malamig tubig dyan. Kaya mo nang maligo everyday o sige na nga, kahit every other day. With matching palit ng damit ha. Malakas ka na ba uli? Kaya mo na kaya ako I-swing gamit ang mga paa mo (tuttungi)? Kaya mo ba akong buhatin sa ulo ko? Gaya lang nang dati nung bata pa ako. Kasi ang laki-laki ko na hehehe.

Seriously, I miss you, Daddy. Wish you are still here. But God has other plans. So in memory of you, I’d like to repost your letter to me more than 2 decades ago. I am forever grateful that you took your time in writing this letter even though what I just needed that time to as a requirement in school was a simple acknowledgement that you received my letter. It has been and will always be my guide. Thank you for this beautiful letter.

*****
(This was my Dad’s letter in response to the letter I gave them. It’s one of our requirements in our English subject. I guess it has something to do with the different sentence constructions. The letter is dated November 15, 1992.)

My Dear Mylene,

A pleasant day to you too.

I am so grateful that you appreciate very much our way of disciplining all of you our dear children. It is because your mom and I would not want our children to be misled in life. Much more that you are still too young to understand the different factors affecting is in this world we live in. you see, there are two directions of our life as we grow. These are the negative and positive directions. Should you be thinking that you know better than what other people do, you are absolutely wrong. You might be following the negative direction of life.

On the other hand, if you would be thinking that you will be careful to follow the right path of life, you cannot be so sure about it. Why? Because you are young and as you grow older, you will be more exposed to society and encounter a lot of temptations that might lead you to the wrong direction. It is in this kind of life situation that we, as parents, come in to give you the proper guidance as much as we can, although there are instances that we do not give you the precise advice because of some problems that we also encounter. We hope that you will understand and forgive us too whenever we are in such kind of attitude. Anyway, our main intention is to help you develop yourselves to become a worthy member of a good society.

And now, asking the favor of our Almighty Lord, to grant us his blessings and that I may bestow also such blessings on all of you my dear, dear children.

With love from your dad,
Pido

*****
Hay. Sniff sniff sniff.

Nagbabangayan pa rin ba kayo ni Mama? Eh yung “belebak-belebak-belebak” fart nya na ikinawala ng galit mo noon? Meron pa rin ba? Hahahaha!

O sya, kita-kits this weekend. Hi na lang kay Mama. I love you both forever. ❤❤❤

Be Careful What You Joke With Kids

joycekulitIn December 2014 during a phone conversation, I kidded my then 5 year old niece to come with me to Tagaytay and we’ll spend Christmas at my brother’s place. Few hours after that call, my sister informed me that my niece was crying and she was waiting for me to fetch her so that we could go to Tagaytay. Patay! To appease her, I promised her that I’ll just bring her to Tagaytay in December 2015 so that at least she’ll be a year older by then. At hindi na sya ganon kahirap bantayan hehehe. Also, I need to save up first and she also needs to do the same. She agreed and she never forgot.

Funny story related to that. After our father’s burial in January 2015, we opened the donation box to account all gifts. The money was spread on the floor. Suddenly, my niece said, “Mommy, adu nga kwarta. Mangala ka pang-Tagaytay tayo.” (Mommy, there’s a lot of money. Get some for our Tagaytay trip). Hehehe. Matandain ang bata. Kahit sumisenti kami sa pagkawala ng tatay namin, napatawa kaming lahat sa hirit nya.

And all throughout 2015, she would often ask me once in a while about our Tagaytay trip. I always assured her that yes, it was still a plan but she should do well in school before I make it final.

Hence, it was keeping up with a promise for this little girl in 2015. While I learned my lesson the expensive way, I’m glad I was able to keep up with that promise. At least, now I know. I’ll be careful with my jokes especially with that niece next time. And no regrets as I had a blast. We all had a blast!

December 2015 Christmas-related Calendar

I just want to document, even on a high level, all the social events I attended in December to help keep the memories. Plus, it will be nice to have something to read back years from now. 🙂

Office:

  1. December 01, 2015 – Team’s Kris Kringle week 1
    2. December 07, 2015 – Team’s Kris Kringle week 2
    3. December 11, 2015 – Team dinner with the big boss (Vikings)
    4. December 13, 2015 – Year End Party (did not attend)
    5. December 14, 2015 – Team’s Rewards and Recognition Night
    6. December 18, 2015 – Team building (did not attend to conserve energy for all the travels during the holidays)

Personal:

  1. December 19, 2015 – Was supposed to go home to Baguio but brother in Tagaytay texted that he might need some financial help, hence we’ll need to meet the next day. Di rin naman natuloy.
    2. December 21, 2015 – WFH then left for Baguio at night
    3. December 22, 2015 – Went to a dress shop for my measurements and then go home to Mama’s hometown in the afternoon
    4. December 23, 2015 – Cousin’s wedding, Went back up to auntie’s place in Bonglo in the afternoon
    5. December 24, 2015 – Went home to Baguio, attended Christmas Eve mass
    6. December 25, 2015 – Traveled back to Manila in the afternoon/evening together with nieces
    7. December 26, 2015 – Went to brother’s home in Tagaytay
    8. December 27, 2015 – Roamed around Tagaytay, left for Manila early evening
    9. December 28, 2015 – Went to SM MOA, left for Baguio at night
    10. December 29, 2015 – Attended Jen’s bridal shower
    11. December 30, 2015 – can I just sleep all day?! No, continued cleaning the yard
    12. December 31, 2015 – Grocery for New Years Day lunch, attended New Years Eve mass
    13. January 1, 2016 – Hosted lunch at home for Mama’s siblings as has always been the norm when the parents were still here. Incomplete attendance. Even the uncle who requested it was not available all of a sudden. Keri lang.
    14. January 2, 2016 – Continued cleaning the yard, Was supposed to go back to Manila in the evening but Jen texted that the dress is now ready for fitting…
    15. January 3, 2016 – turns out the dress has not yet been adjusted so I can’t fit it yet. On the positive side, I got to spend lunch with the BF. It was unexpected because Sundays are one of his busiest days. What a pleasant surprise to cap my Christmas break :).
    16. January 4, 2016 – Back in your arms, Manila. I had to stay in line for 3 hours just to be able to ride the bus. Good thing Victory added an extra bus bound for Cubao and so I was able to buy tickets for my trips home in the next 3 consecutive weekends.

***Too many backlogs of things to write. Need to catch up.***

Vacation Officially Starts

baguio1

Good to be home. Chirping birds, colder weather, not wearing a jacket while tolerable, quiet moments, endless stories from nieces, coffee outside, meals outside. BUT…I miss you, Mama and Daddy. Booo!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
1 2 3 4 5 33